Maaaring bumili ng gamot sa drug store para sa mga karaniwang sintomas tulad ng sipon at iba pa, ngunit kung kailangan ang pagpapatingin sa doktor, sanggunian lamang ang mga step sa page na ito.
- Kung hindi kasapi sa health insurance sa Japan, sasagutin ninyo ang buong halaga ng gastusing medikal.
- Kung kasapi sa travel accident insurance, bayaran ang buong halaga, at pagkatapos isagawa ang proseso ng pagpapa-reimburse sa insurance company.
- Cash ang pambayad ng gastusin para sa medical consultation sa karamihan ng mga medikal na institusyon. Kung nais magbayad sa credit card, kailangang tiyakin kung maaari ito.
1. Maghanap ng Ospital / Clinic
Upang makahanap ng medikal na institusyon kung saan maaari ang komunikasyon sa wikang banyaga,
- Mag-search sa mga site na nasa listahan ng medical hotline o magtanong sa telepono.
- Magtanong sa concierge ng hotel, tour conductor at iba pa.
- Kung kasapi sa overseas travel accident insurance, makipag-ugnayan sa insurance company para ma-refer sa kanilang partner hospital.
May iba’t ibang paraan tulad ng mga ito.
2. Resepsyon at Pagpapatingin
Kapag nakahanap ng ospital kung saan maaaring magpatingin, at nakarating doon, pumunta sa resepsyon at
- Sabihin ang layunin ng pagpunta sa ospital.
- Ipakita ang sertipiko ng health insurance sa Japan. Kung hindi kasapi, hihilingin ang pagtiyak na sasagutin ninyo ang buong halaga.
- Sa medikal na institusyon kung saan maaaring magbayad sa credit card, maaaring hilingin ang pagpapakita ng card.
- Isulat sa takdang form ang kasalukuyang sintomas, medical history at iba pa.
- Kapag natapos sulatan ang papeles, isumite ito sa resepsyon, at hintaying tawagin ang inyong pangalan. Kung walang appointment, magpapatingin ayon sa pagkakasunod-sunod ng pagtanggap sa resepsyon.
- Magkonsulta kapag tinawag sa examination room.
- Batay sa konsultasyon, isasagawa ang kinakailangang paggamot at eksaminasyon.
- Kung kailangan ng gamot, gagawan ng reseta.
3. Pagbabayad
Pagkatapos magpatingin, babayaran ang gastusin para sa konsultasyon, isinagawang eksaminasyon at paggamot. Sa malalaking ospital, magbabayad sa counter ng bayaran, at sa resepsyon naman kung sa clinic. Cash ang pambayad sa karamihan ng mga ospital. Kung kasapi sa health insurance sa Japan, sasagutin ang 30% ng gastusin. Kung hindi kasapi, sasagutin ang buong halaga. Kung kasapi sa travel accident insurance, ipakiusap ang pagkakaloob ng kailangang papeles para sa pagpapa-reimburse, at tanggapin ito.
4. Pagtanggap ng Gamot na Inireseta
Kung kailangan ng gamot, magkakaiba ang paraan ng pagkuha ng gamot ayon sa ospital. Sa mga ospital at clinic kung saan maaaring tumanggap ng gamot, pagkabayad sa oras ng bayaran, maaaring tanggapin ang gamot. Kung hindi ganito, iaabot ang reseta sa resepsyon sa oras ng bayaran, at ire-refer kayo sa malapit na dispensing pharmacy, kaya’t ipapakita ang reseta, babayaran ang gamot at tatanggapin ang gamot doon.