Kinakailangang sumapi sa pampublikong medical insurance ang mga dayuhang mananatili sa Japan nang lampas sa 3 buwan. Sa pampublikong medical insurance sa Japan, may 2 uri – ang health insurance ng lipunan / empleyado, at ang pambansang health insurance. Ibinibigay sa karamihan ng full-time na empleyado ang health insurance ng lipunan / empleyado sa pamamagitan ng kumpanya. Kung hindi kasapi sa health insurance ng lipunan / empleyado, sasapi sa pambansang health insurance sa pamamagitan ng tanggapan ng munisipalidad. Sa mga insurance na ito, saklaw ang 70% ng gastusing medikal, at 30% ang kailangang bayaran sa sariling gastos. Kapag ginawa ang paggamot na hindi saklaw sa insurance, o kung hindi kasapi sa pampublikong insurance, kailangang bayaran ang 100% ng gastusing medikal.
Pagbabayad ng Gastusin sa Paggamot
Kinakailangang bayaran ang gastusin sa paggamot sa oras na nakumpleto ang paggamot. Cash ang pambayad sa karamihan ng mga ospital. Magbabayad ng 30% ang kasapi sa insurance. Sa ospital na unang beses pinuntahan, mayroong bayad sa unang pagpapatingin. Kung hindi kasapi sa insurance, humigit-kumulang sa ¥2800 ang bayaring ito. Humigit-kumulang sa ¥700 naman mula sa ika-2 beses na pagpapatingin para sa parehong sintomas. Idadagdag dito ang gastusin sa eksaminasyon at paggamot, at ang bayad sa gamot kung binigyan ng gamot sa medikal na institusyon. Kung binigyan ng reseta at tatanggapin ang gamot sa dispensing pharmacy, babayaran sa parmasya ang bayad sa gamot. Sa medical consultation sa gabi o oras ng emergency, mayroong pagbabayad ng deposit bago ng medical consultation, at mayroong pagdadagdag ng bukod na bayarin. Magkakaiba ang mga bayaring ito ayon sa ospital.
Pribadong Insurance at Overseas Travel Accident Insurance
Maaaring i-refund sa pribadong insurance plan ang binayarang gastusing medikal, ngunit malaki ang pagkakaiba ng nilalamang saklaw ayon sa kontrata. Kailangan ninyong tiyakin sa insurance company ang serbisyong saklaw sa inyo. Magkonsulta lamang sa medikal na institusyon tungkol sa pagbibigay ng papeles na kailangan para singilin ang gastusin sa insurance company. Kailangan ang pag-iingat dahil hindi gaanong malaki ang lawak ng saklaw na gastusing medikal sa insurance na kalakip sa credit card.