Listahan ito ng mga katanungan kaugnay sa medisina, at mga samahan at serbisyong mapakikinabangan sa paghahanap ng medikal na institusyon
The AMDA International Medical Information Center
Website 03-5285-8088Nagre-refer ng mga ospital kung saan maaaring gumamit ng wikang banyaga sa Japanese, English, Thai, Chinese, Korean, Spanish, Portuguese, Filipino at Vietnamese.
9:00am-8:00pm, Mon-Fri (Magkakaiba ang araw ng linggo at oras ng tanggapan ayon sa wika)
Himawari
Website 03-5285-8181Maaaring maghanap ng ospital at dispensing pharmacy sa Tokyo kung saan maaaring gumamit ng wikang banyaga sa website. Sa telepono, maaaring tumanggap ng gabay kaugnay sa medisina sa English, Chinese, Korean, Thai at Spanish.
9:00am-8:00pm, araw-araw
Japan Helpline
Website 0570-000-911Serbisyo ito ng 24 oras na emergency support sa buong bansa para sa mga dayuhang nakatira sa Japan. Nagbibigay dito ng advice mula sa madaling tanong hanggang sa pagtugon sa mga emergency.
24 hrs., araw-araw
Tokyo English Life Line (TELL)
Website 03-5774-0992Naghahandog ang TELL ng konsultasyon sa telepono sa English para sa community ng mga dayuhan. Naghahandog ang mga nagsanay na telephone counselor ng suporta sa malawak na saklaw ng mga problema.
9:00am-11:00pm, araw-araw (English lamang)
JMIP
WebsiteInstitusyon ang JMIP na kumikilala sa medikal na institusyong tumutugon sa mga dayuhang pasyente sa Japan. Maaaring maghanap ng kinilalang ospital sa kanilang website.