Mga Clinic at Ospital
Malaking medikal na institusyon ang ospital na may maraming departamento, nakakatugon sa mga emergency, at may pasilidad para sa pagpapaospital. Dahil maraming pasyente ang pumupunta sa ospital, matagal na matagal ang oras ng paghihintay. At maraming ospital kung saan kailangan ng sulat ng referral mula sa ibang medikal na institusyon. Kung walang sulat ng referral, bukod sa gastusing medikal, madaragdag ang gastusing 3000 yen – 5000 yen. Dahil dito, kung karaniwang sintomas, mabuting pumunta sa clinic na may departamento kung saan nais magpatingin. Sa alinmang medikal na institusyon, inirerekomenda ang antimanong pagtiyak kung maaaring magpatingin ang dayuhan.
Mga Drug Store at Dispensing Pharmacy
Tinutukoy ng drug store ang tindahang nagtitinda ng karaniwang gamot (gamot na over-the-counter). Makukuha ang iniresetang gamot sa dispensing pharmacy kung saan may parmasista. Kamakailan, dumarami rin ang mga drug store na maaaring magtinda ng iniresetang gamot at may function ng dispensing pharmacy. Kung natanggap ang reseta mula sa doktor, kailangang tiyakin ang lugar ng pinakamalapit na parmasya. Sa dispensing pharmacy, nagbibigay ng “Libreto ng Gamot” para sa pag-record ng tinanggap ninyong iniresetang gamot. Para sa pakikipag-usap sa parmasya / drug store, nakasulat ang mapakikinabangang mga salita sa “Koleksyon ng Mga Salita” ng Dr. Passport app.